- Kailangan na ang samahan ay lehitimo at kinikilala sa barangay.
- Maaaring ang libreng website lamang ang inyong kuhanin o kaya naman ay ang libreng e-mail address lang.
- Kung parehong website at e-mail address ang kukuhanin, ang mapipiling pangalan para sa website ay siya ring gagamiting username para sa e-mail address. Tandaan na ang libreng website at e-mail address ay naka-base sa domain name na barangaypitpitan.com kung kaya't ang website ay naka-sub domain lamang.
Halimbawa ng website: youthcouncil.barangaypitpitan.com
Halimbawa ng e-mail: youthcouncil@barangaypitpitan.com
- Ang mga samahan na magkakaroon ng libreng website o e-mail address ay awtomatikong ilalagay sa "Directory Page" ng website na ito. Ito na rin ang magsisilbing FREE ADVERTISEMENT ng inyong samahan.
- Kung ayaw ng libreng website at e-mail address, maaari din na ipalista lamang sa "Directory Page" ang inyong samahan bilang advertisement.
- Maliban sa mga samahang pang-relihiyon, ang iba pang pribadong samahan na nasa loob ng barangay ngunit nagsisilbi lamang chapter ng mas malaking organisasyon sa labas ng Pitpitan ay hindi kasali sa programang ito.
Gamitin ang Online Application Form sa ibaba upang mag-apply sa libreng serbisyong ito.