Welcome to Barangay Pitpitan Information Technology Center!
"Ang tanging Pambarangay na I.T. Center sa buong Pilipinas"
Ang Barangay Pitpitan Information Technology Center (BPITC) ay itinatag noong taong 2006 ng noo'y Kagawad ng Sangguniang Barangay na si Kon. Benee Garcia na ang hangarin ay pangasiwaan ang kauna-unahang barangay website sa Bulacan - Ang Official LGU-Community Web Portal ng Barangay Pitpitan. Ang website at ang pagtatatag sa BPITC ay bahagi ng programa ni Kon. Benee na "Gamit ang Teknolohiya, Kabarangay ang Una!".
Ang BPITC rin, sa pakikipagtulungan nito sa Pamahalaang Bayan ng Bulakan ang siyang nasa likod ng kauna-unahang Bulakan Municipal Website noong taong 2006 na proyekto ng noo'y Punong Bayan, Kgg. Maria Elizabeth Villegas gamit ang domain name na bulakanph.com
Nang matapos ang panunugkulan ni Kon. Benee Garcia noong Nobyembre 30, 2010 ay sinabi niya na patuloy pa rin siyang naka-suporta sa barangay at sa bago nitong Sanggunian. Ipinahayag rin niya na ang website ng Pitpitan ay siya pa ring magiging Official Web Portal ng barangay at ang kaniyang programang "Gamit ang Teknolohiya, Kabarangay ang Una!" ay nananatiling aktibo, gayundin, ang BPITC ay patuloy na maglilingkod sa barangay Pitpitan at sa mga mamamayan nito.
Sa loob ng 5 taon ang BPITC ay nananatiling naglilingkod at nakikipagtulungan sa barangay Pitpitan hindi lamang sa pangangasiwa ng website nito kundi sa lahat ng aspeto sa larangan ng Information Technology para sa kapakanan ng mga mamamayan nito. Ang BPIPTC ay patuloy na naninindigan sa layunin nito na Paglingkuran at Mapag-ugnay ang mga Pitpitaño saan mang sulok ng mundo!

|